[New post] Magnolia, nilabas ang ngitngit sa San Miguel; sinolo ang liderato
Happy Dreamer posted: " Bago man ang import na ibinalandra ng San Miguel, hindi naman nito napigilan ang panunumbalik ng Magnolia sa win column. Dinurog ng Hotshots si Shabazz Muhammad at Beermen sa bisa ng 104-87 dominasyon upang pansamantalang okupahan ang top spot ng PBA"
Bago man ang import na ibinalandra ng San Miguel, hindi naman nito napigilan ang panunumbalik ng Magnolia sa win column.
Dinurog ng Hotshots si Shabazz Muhammad at Beermen sa bisa ng 104-87 dominasyon upang pansamantalang okupahan ang top spot ng PBA Governor's Cup bitbit ang 7-1 win-loss baraha, Linggo (Pebrero 27), sa Ynares Center, Antipolo.
Bumida para sa tropa ni Chito Victolero si reinforcement Mike Harris na tumabo ng double-double 26 points at 13 rebounds.
Bumomba rin si Paul Lee ng 26 points kasunod ang 12 at 10 markers nina Mark Barroca at Jio Jalalon upang ilugmok ng Magnolia sa 5-4 imakulada ang San Miguel.
Galing sa 103-101 pagyuko sa NorthPort Batang Pier ang Hotshots at nagsilbi nila itong motibasyon sa pagsuong sa laban kontra Beermen.
"Pinag-usapan namin just try to move forward. We knew we had a bad start last game and though we finished strong, kinapos pa rin. So going into this game we talked about starting strong and finishing stronger." pagsasaad ni Victolero.
Iniwanan ng Magnolia ang San Miguel, 57-44, sa pagtatapos ng first half, tampok ang 15-point explosion ni Lee, at mula sa yugtong ito, hindi na nakaahon pa sa pagkakalubog ang huli.
Nanguna sa bataan ni Leo Austria si dating NBA player Muhammad na nagtapos taglay ang 27 points at 17 boards ngunit hindi pa rin ito sumapat.
Nasayang din ang 18 points ni CJ Perez, gayundin ang 16 markers ni Vic Manuel para sa San Miguel.
No comments:
Post a Comment